ask theory, dex macalintal, bakit ang hirap magpaliit ng tiyan

FlipScience proudly presents its very own podcast, Ask Theory!

Hosted by EIC Mikael Angelo Francisco, Ask Theory shines the spotlight on Pinoy scientific brilliance, in a fun and entertaining “kwentuhan” format.

Each episode of Ask Theory  features a Pinoy scientist from one of the various scientific disciplines. In a very casual Taglish conversation, guests explain what they do in simple terms, as well as share their fascinating stories: how they got into science, the challenges they face, what motivates them to pursue their fields, what future scientists from the Philippines can look forward to, and so much more.

Episode 1:  Bakit Ang Hirap Magpaliit Ng Tiyan?

“New Year, new me.”

If I had a peso for every single time I’ve read or heard that line, I would have… a lot of pesos? Point is, each time we replace our calendars, we tend to treat it as an opportunity to start some sort of change, or change something about ourselves that we don’t like. And for many people, at the top of that list is shedding some unwanted, er, squishiness—specifically, around the midsection.

The debut episode of Ask Theory focuses on lifestyle medicine, and features Dr. Dex Macalintal. He’s a double board certified professional, both as a nutritionist dietitian and a doctor of medicine. He’s also very active on social media, giving free medical advice, debunking health myths, and sharing how he treats Chronic Degenerative Diseases using a food and lifestyle-first approach.

We talked about fad diets, common misconceptions on health and fitness, and why it’s so difficult to lose belly fat. I bet my high school self would have loved to listen to this.

Listen to Ask Theory Episode 001: “Bakit Ang Hirap Magpaliit Ng Tiyan?” here:

EPISODE TRANSCRIPT:

Speakers: Mikael Francisco, Dr. Dex Macalintal

Mikael [00:00]: “New year, new me” if I had a peso for every single time I’ve read or heard that line, I would probably have a lot of pesos. Point is each time we replace our calendars we tend to treat it as an opportunity to start some sort of change or change something about ourselves that we don’t like and for many people, at the top of that list is shedding some unwanted squishiness specifically around the midsection. Today’s guest is Dr. Dex Macalintal. He’s a double board certified professional both as a nutritionist dietitian and as a Doctor of Medicine. He’s also very active on social media giving free medical advice, debunking health myths and sharing how he treats chronic degenerative diseases using a food and lifestyle first approach. We talked about FAD diets, common misconceptions that filipinos have about health and fitness and why it’s just so difficult to lose belly fat. I bet my high school self would have loved to listen to this. So, welcome to this episode of Ask Theory.

Dr. Dex [01:16]: Hi, Hello, Magandang Gabi po, Magandang Umaga o Magandang Tanghali kung anong oras niyo man po ito pinapakinggan.

Mikael [01:22]: Can you describe your typical day as a nutritionist slash doctor 

Dr. Dex [01:25]: Well, typical day number 1 pag gising ko as I, as I wake up sisimulan ko ng exercise. Nag sisimula ako ng exercise ko for the day and I, I take my breakfast. So, yon exercise and then breakfast and then afterwards prepare for work and then I’ll see patients. I’ll see patients na more of with chronic degenerative diseases yun nga sinabi natin kanina ito yung mga may diabetes, may hypertension, may sakit sa puso, yung iba may cancer. So, these are all the lifestyle diseases that are plaguing the country and not only the country but the world right now na parang kumbaga parang walang lunas kung tutuusin kase paulit ulit, maintenance maintenance ganyan ganyan pero hindi, hindi nakikita pa yung lunas dito when in fact nasa harapan nanaman na talaga natin yung lunas at ang lunas diyan kung lifestyle ang disease, edi lifestyle change din ang pang lunas diyan. So, dito sa araw ko so I see patients mula ng ano mula ng alas nuwebe ng umaga hanggang alas singko ng hapon. Counseling and then yung iba naman ay refill of medications kung meron or yung iba naman ay just coming in for free consult lang or parang realignment lang ng goals namin ayon ganon.

Mikael [02:40]: Okay. Ang interesting nga po. Ang busy niyo kahit ano, kahit pandemic.

Dr. Dex [02:43]: Yeah. Kasi walang ano…walang..walang pahinga ang ano chronic degenerative disease kahit sabihin mo na wala lang yan it’s all, it’s all about your lifestyle hindi yun ganon kadali. It’s all about how we deal with lifestyle change kasi kung tutuusin natin kung mapapansin natin yung mga pandemya, yung pandemya ngayon COVID 19 kung makikita natin yung mga tinatamaan nito na severe cases are those with other comorbidities. Pagka sinabi po natin comorbidities yan yung may kasakasama pang ibang sakit and usual na mga sakit ng mga yan ay yung mga hypertension, mga diabetes, mga sakit sa puso, mga cancer kapag tinamaan sila ng COVID 19 kasi bagsak yung resistensya nila mas severe yung tama sakanila. That’s why we are here. That’s why we are not..we are not stopping from work. That’s why patuloy tayong tumutulong sa mga taong nangangailangan ng tulong specially yung mga may chronic degenerative disease kasi ang problema natin ngayon ang COVID 19, problema din natin lalo yung mas matagal na nating kalabang pandemya yung mga non-communicable diseases. 

Mikael [03:47]: Karamihan ng tao parang iniisip nila yung COVID 19 konti lang yung namamatay diyan relative doon sa numbers. So, nagkakaroon ng mis..ng maling ideya yung iba pero hindi naco-consider nga yung mga ibang sakit na kasabayan niyan.

Dr. Dex [04:00]: Tama yon kasi nga kung mapapansin natin yung iba namamatay sa mga komplikasyon ng mga..ng mga sakit sa puso, sakit sa diabetes, sakit sa highblood. Minsan it coincides so, sumasabay doon sa pagkamatay due to COVID 19 that’s why, ayon nag papatong patong yan pero tama sila na konti nga yung, yung dito sa COVID 19 pero mas madami din talaga yung sa, sa non-communicable diseases pero pagka-nagsama patay at patay pa rin yan so ayaw din naman natin na mga mamamatay yung mga tao so gusto natin diyan matulungan pa rin sila as much as possible.

Mikael [04:36]: Okay. So, yung…yun po yung focus ninyo ngayong panahon ng pandemya. May mga ibang project pa po ba kayo or initiatives sa ngayon?

Dr. Dex [04:42]: Sa ngayon we do advocacies ng nutrition, we do ganito…we do talks, we do vlogs, tsaka yung mga health talks natin here and there sa mga kumpanya lalo na ngayon na dahil nga dito sa pandemya non-specific yung mga symptomas nito ibig-sabihin hindi, hindi specific kunwari inubo ka COVID na ba iyon agad? Hindi. Nilagnat ka, ito ba ay masasabi mo na hindi ito COVID? Ito ay bacterial infection lang? Hindi. So, very non-specific. So, lahat maaaring tamaan kaya nagkakaroon din ng mga overlaps din sa mental stresses, anxiety and all that. So, iyon pati iyon dini-deal natin ya sa lifestyle medicine and in lifestyle medicine we do talks. Ang daming talks, ang daming…ang daming mga engagements so..yeah ayon yung mga projects natin. We do health talks sa companies, we do health talks sa mga communities na ngangailangan ng tulong para mas maintindihan nila yung mga sakit nila na meron doon sa komunidad nila. So, those are the projects that we have right now.

Mikael [05:41] Paano po ba kayo nasimulan maging interested sa nutrition specifically sa Science of Nutrition and Health?

Dr. Dex [05:47]: Noong ano kasi yon, nagsimula yan noong college. Actually nag shift lang naman ako sa nutrtition from BS Agriculture in UP Los Baños. So, bakit ako naging interesado? Well, noong nasa UP Los Baños ako, oo may mga masasaka naman pero problema ko noon sabi ko I have to,I want to pursue medicine kasi from the start. So, since I want to pursue medicine, I want to focus on the human body. So, gusto kong aralin na kung papaano yung pag no-nourish ng katawan ng tao and it is only in nutrition na focus talaga yung, yung human nutrition sa iyong course na iyon sa UP Los Baños. So, what I did was to  study…study well, hindi naman talaga well pero I would like to, I would like to ano…I would like to tell na I studied, I studied well naman siguro sa UP Los Baños and then mas naging interesado ako actually after the course. Mas naging interesado ako when I was preparing for the board exam kasi when I was ano, when I was in UP Los Baños I only want to ano…I only want to pass the examinations, I only wanted to pass the quizzes, pass the seatworks, pass the case studies, yun lang yung gusto ko noon. Pass my thesis yun lang pero, pero sa katotohonan noon naging interesado lang talaga ako sa nutrition when…when we were preparing for the board examinations, that was..tha-that was when I was interested kasi sabi ko aba ang ganda pala talaga nitong pre-med kasi yung pre-med nito malalaman mo kung papaano mo na no-nourish yung katawan ng tao hindi katulad nung…hindi naman sa sinasabi ko to sa ibang courses na hindi nila alam pero iba kasi yung edge and then when I went…when I stepped into medical school oo nga…there is an edge in nutrition kasi alam mo yung ano…alam mo yung meron interaction kasi yung nutrient to drug and then drug to nutrient and then nutrient to nutrient. Mas holistic yung dating hindi ka lamang gamot ng gamot ng pharma…kaya mo rin mang gamot gamit ang pagkain at even the lifestyle kasi in nutrition it’s very very holistic. Nutrition is very very preventive, nutrition is more of the preventive side than than the curative side however, kapag kailangan mo na siyang i-cure you can…you can employ medical nutrition therapy para doon sa mga pasyente na iyon at nakatutulong ng malaki yan para ma-reverse or even…or kung hindi man ma-reverse matulungan na ma-halt yung mga disease na yan o matulungan na ma-delay yung progression to other types of diseases na maaaring makalala sa mga pasyente. So, really ano…nutrition cures, yung ating nutrition talaga, yung ating tamang pagkain, tamang lifestyle these really cures a lot of people and a lot of diseases.

Mikael [08:22]: Naku, sobrang agree po ako diyan kasi noong nasa college po ako diyan din medyo nagsimula yung interest ko in nutrition and lifestyle but I had a more…vain reason kasi po nung elementary po ako medyo mataba ako. So, noong college naramdaman ko yung pressure na medyo mag papayat pero napansin ko po sa pag papapayat ko na meron isang area ng katawan na sobrang…ang hirap niyang i-manage. Ang hirap niyang paliitin and nakarami ako ng basa sa internet ng mga guide kung paano siya paliitin, pagandahin pero parang iba iba yung sinasabi. So, let’s set the record straight po. Bakit ba ang hirap mag paliit ng tiyan?

Dr. Dex [09:01]: Mahirap talaga mag paliit ng tiyan kasi definitely our hormones play a lot lalo na sa mga lalaki. Sa mga lalaki mataas yung ano…pagka mataas yung levels ng testosterone natin minsan the problem is pu-pwede rin magkaroon ng gain ng weight. So, bukod diyan ano…yung pagkain din kasi natin sa ano…pagkain din kasi natin dito sa pilipinas patterned na sa states. So, yung mga kinakain natin we have a lot of excess fats, we have a lot of excess calories, we have a lot of simple sugars, we have a lot of inflammation going on dahil sa mga nakakain natin kasi more process. Ang daming nangyayari diyan and it can affect our hormones and these hormones play a lot doon sa ating…dito nga sa ating metabolism and then itong hormones na ito pwede pa sila…actually yung mga hormones pu-pwede rin yang ano…pu-pwede rin yan mag dulot ng mas pag deposit, mas madaming pag deposit ng taba doon sa around…around sa area ng tiyan. So, kapag kaganoon what we have to do is alamin nating kung paano…papaano mag tame ng hormones. So, a…more ang tip diyan is more of a plant based diet, more of an anti-inflammatory diet so diyan papasok yung tamang nutrition pa rin, tamang exercise pa rin kasi para ma _____ talaga yung tiyan na yan it…it entails full body exercise and then isolation exercises and a lot more. So, hindi lamang yung abs yung kinakailangan mong palabasin diyan. Kinakailangan pati yung ating sa likod or your back muscles are supporting yung ibang muscles diyan. So, ayon kasi yung abs naman andiyan naman talaga yan. Ang problema lang talaga natin are the fats that are covering them up…yon yung nangyayari diyan kaya mahirap talagang paliitin yan pero it can be…it can…it can be achieved na kahit walang retoke it can be achieved basta’t kinakailangan lamang natin ng tamang commitment for that.

Mikael [10:53]: Oo, kasi naaalala ko nga yun naka…ang daming crunches, ang daming sit-ups pero parang sobrang minimal nung benefits. So, hindi siya madadaan sa pag papapayat, yung pag papapayat mismo hindi lang siya madadaan po sa pag babawas ng kain lang? Or exercise lang?

Dr. Dex [11:07] No, no, no, no wala…walang ganon…wala it cannot be ano hindi pu-pwedeng paghiwalayin yung kain o yung pag kain at saka yung exercise kasi yung pag kain natin, yan yung magbibigay sa’yo ng energy. Yung exercise yan yung maglalabas ng energy mo. So, hindi pu-pwede na…hindi…ang sabi ko nga parang seesaw yung energy in or yung input mo yun yung inilagay mo sa katawan mo diyan papasok yung pagkain, yung output mo o yung inilabas mo diyan papasok yung energy or yung exercise mo. So, ang dapat diyan ay mabalanse yan or mas madami yung iyong exercise. So, with that pagka madami yung exercise mo mas babawas yung timbang. Pag bawas ng timbang ang mas maganda diyan, ang mangyayari diyan, doon tayo papunta sa pagpayat o sa pag lose ng weight so when we lose weight, we don’t want to just lose weight, we want to lose fat. So, diyan pa din papasok yung tamang food selection, yung tama mong exercise, yung tama mong management ng lifestyle mo. 

Mikael [12:07]: Pag-usapan po natin yung food. Actually, may mga kaibigan akong nakakaaway tungkol sa topic na ‘to kasi ang dami po iba ibang diet na tinatawag. Yung keto, yung paleo, atkins, south beach etc. and then ang nakikita ko po yung mga taong karamihan ng mga kakilala ko personally na sumusunod sa mga diet na ito, they really swear by it na parang “ay hindi ito lang talaga ang tama, ito lang ang dapat”. 

Dr. Dex [12:32]: Oo..

Mikael [12:32]: So, paano po ba malalaman kung…kasi yung iba diyan Fad…yung tinatawag na Fad diet 

Dr. Dex [12:36]: Yeah, oo…

Mikael [12:37]: Paano mo malalaman kung alin yung gumagana talaga tsaka alin po yung hindi?

Dr. Dex [12:40]: Okay. So, ang tanong natin ano ba yung goal mo? Okay…kung ang goal mo ay pumayat lang gagana talaga yang mga keto, atkins, paleo, south beach diet, gagana talaga yung mga Fad diets. But the reason ____ yung na lo-lose nila is water weight and sometimes muscle mass. So, tandaan natin na ganito yan, yung timbang kasi natin it is composed of your…of your water, your muscle, your bone and your fat. Syempre ayaw mo naman mawala yung bone. Syempre ayaw mo naman mawala…ayaw mo naman mawala yung muscle. Ang gusto mo mawala yung fat. Pwede ka naman…pu-pwede ka din naman mag ano…mag lose ng water. Okay lang din naman yon kasi you can easily replenish it. However, the problem with these…with these types of diet itong mga keto, paleo, atkins, itong mga south beach diet, what happens here is that people lose water weight and sometimes hindi naman parati, sometimes muscle mass. Kasi what happens here is that ang taas taas ng kanilang protein content then fat content na, naiiwanan nila yung carbohydrates. Yung carbohydrates po natin tumutulong yan para ma-maintain yung ating muscle and yung ating protein. So, kung gusto mo mangyari, kung gusto mo mag lose ng weight, yes, you can lose weight, but you will not lose fat. The fat stays with you. You will just lose weight yung timbang lang talaga kasi nga yun nga ang nabubuo…ang bumubuo ng timbang yung water, bone, muscle and fat so mawawala sa’yo water weight in the long run. Oo, mababa…mabilis talagang bumaba ang timbang sa mga ganyan. Pero ano ba yung goal mo? If what you want is a…is a sustainable way of losing weight, you go to…go to a dietitian…you, you discuss it with him or her and then what you do is to do a balanced diet. So, yun yung ano…walang one size fits all hindi pu-pwedeng sasabihin mo na ito lang, ito lang yung tama, ito lang yung tama, kaya nauuso yung…kaya nauuso yung ito lang malakas. Wala, walang ganon, walang ganon, hindi…hindi, hindi totoo iyon. “Keto lang malakas” hindi ganon ‘yan. Ang malakas talaga, ang tamang…ang tamang malakas is yung balanced diet, but the problem with the balanced diet…problem with the balanced diet, akala nila yun na yun. No, the, the, the, the problem with these ones actually even the keto, even the atkins. The problem with any type of diet is adherence yung kung paano mo siya gagawin at kung gaano ka…kung gaano ka ka-seryoso in doing that. So, kung hindi mo naman talaga susundin yung tamang pagkakagawa ng mga ganyan hindi talaga yan, hindi talaga yan mag, hindi talaga yan gagana kasi sa katotohanan isipin mo, if you do a ketogenic diet or a…a paleo or an atkins diet, what happens here is that you actually, you actually decrease your caloric content kung tutuusin kasi hindi, kasi hindi ka na makakakain na ng madaming madami kasi madi-distend na yung stomach mo sa sobrang fat. Madi-distend na yung stomach mo. So, babagsak na yung, yung appetite mo “ito hanggang dito nalang ako kakainin ko” so ganyan yun. However, the problem here is that ang taas ng systemic inflammation na pu-pwedeng mangyari diyan o maaaring mamaga yung, yung loob ng katawan mo. Sa ngayon hindi mo pa nakikita yan. It can happen in the long run na mag deposit yung mga cholesterol natin doon sa ating mga blood vessels at doon sa ating mga ugat which can then lead to heart attack in the long run or even stroke in the long run. Hindi ko naman sinasabi na bukas magkaka-stroke ka pero in the long run, maaari. So, ang gusto natin dito is a sustainable weight loss and we want a fat loss if we want to curb obesity so sasabihin nila “bakit sa dami dami ng sinasabi niyang mga dietitian na yan hindi pa rin nawawala yung obesity sa pilipinas” Ladies and Gentleman, let me tell you , let me tell you na hindi naman po mga dietitians, hindi naman po mga doctor, hindi po mga nutrition doctors ang nag susubo ng mga pagkain sa bibig ng mga tao. Yun pa rin pong mga tao so that’s why babalik pa rin po tayo that the problem why obesity in the Philippines or even worldwide is not yet curb or the lifestyle diseases hypertension, diabetes is not yet curb it is behavior. It is the adherence to the diet that is…that is being prescribed that is ____. Sasabihin mo “hindi, kumakain naman ako ng ganto” pero anong klase? Pag natignan mo naman sa food recall, salad din naman ang sinasabi o salad din naman yung kakaiba doon sa sinasabi nila. So, adherence ang problem natin. Hindi yung diet. The diets work. It has been tested, It has been tested in a lot of studies. These diets work. I mean the balanced diet, the low fat plant based diet works, the mediterranean diet works, but these are not fats. These are therapeutic diets. The dash diet works for hypertension. Ang problema, adherence. It is adherence that is not being done talaga kaya nagkakaroon tayo ng problema. Ayun, yun yung kwento niya.

Mikael [17:31]: Ang ganda po ng pagkaka-explain niyo. Pero tutal nasa usapang diet na rin po tayo at dahil tayo lahat ay nasa bahay at nag fa-facebook, nakakakita tayo ng masasarap na o-orderin na mga food from home businesses. Sa observation niyo po Doc, paano ba naapektuhan ng COVID 19 ang diet ng pilipino?

Dr. Dex [17:50]: Well, it can be good and bad kasi yung COVID 19 sa bahay lang yan. Noong nag COVID 19 nasa bahay lamang yang mga yan, mga tao. So, what happened is that people tend to…nung una “mag imbak ako ng delata, mag imbak ako ng mga instant, mag imbak ako ng mga fast…ng mga fast food” dumating pa nga sa point na yung mga fast food chains natin nag bebenta sila ng mga ano, ng mga…yung lulutuin nalang sa bahay

Mikael [18:17]: Lulutuin nalang sa bahay

Dr. Dex [18:17]: Yung…yung natimpla na nila tapos lutuin mo nalang sa bahay, yung ipiprito mo nalang. More of prito so doon, yun yung nangyayari nung una…nung mga kauna unahan. “Ito nalang kakainin namin, fast food tayo mabilis, mabilis lutuin, mabilis i-prepare”. Yan yung nangyari, yan yung nangyari. That’s why naglakihan yung mga pilipino. Hindi na nag e-exercise, hindi na nakakapaglakad lakad, ayun ang nangyari sa mga pilipino. However, lately ang maganda lately medyo nag bo-boom yung mga gulay at prutas. Medyo nag bo-boom yung mga, yung mga pag pa-plant ng mga pilipino. Kaya I’m actually happy na nagsisimula mag plant yung mga tao kasi nung mga una kong interviews sinabihan, sinabihan ko na yung mga nasa tv na ano, na “siguro mas maganda this is the time na mag plant na tayo” pero ang sabi saakin nung mga…ang sabi saakin nung mga nakakausap ko ____ sa tv  “paano yun Doc kailan pa natin aanihin yan?” Imagine if…nung nag simula yung lockdown nung mga February to March kung nag tanim na tayo, naani na natin yan. Nandito lang naman tayo sa…nasa lockdown pa rin naman tayo hanggang ngayon. We’re close for about a year in lockdown. However, kung nag simula tayo noon, kung nag simula tayo noon ng pagkakaroon ng mga…ng…ng mga tamang pag pa-plant ng mga gulay, prutas may mga maaani na tayo ngayon and that was sana in preparation for recession kasi we can see or we can say way back then pwede na nating maisip na aba pag nagkatuloy tuloy ito people can go online, people can start their businesses online and then maaaring mawalan ng mga trabaho mga tao. Maaaring mawalan ng trabaho mga pilipino dahil maaaring magkaroon ng recession dahil yung mga kumpanya, they will rely on automation. So, yun yung…medyo doon nangyayari yun so sana kung nakapag tanim tayo noon, nakapag simula tayo ng sarili nating mga plants mas makatitipid din tayo sa pagkain and in fact we can even reverse some of the chronic degenerative diseases with plant foods so yun ang atin diyan.

Mikael [20:17]: Usually kapag nagbabasa ako ng mga guide sa…you know eating healthy ganyan. Ang lagi sinasabi, ang usual na ano check the label, check the label ganyan. Pero sa totoo lang po para sa pangkaraniwang tao hindi ganon kadali intindihin yung label kasi yung ibang mga ingredients medyo weird yung pangalan parang tunog healthy, pag binasa mo yung vegetable oil parang diba…so parang…tapos yung iba scientific names ng food coloring etc. So, anu-ano po ba yung mga tagong ingredient or hidden enemy na kadalasan nasa pagkaing pilipino?

Dr. Dex [20:50]: Actually, madami niyan ano, madami na pagka tinignan mo yung label you have to look doon sa mga ano, yung mga…ito yung mga buzzwords natin, mga buzzwords. Partially hydrogenated oils yang mga yan, yang mga trans fats yang mga yan. Yung mga…yun yung mga ayaw natin sa, sa food natin and usually these are in pastries, yung mga masasarap these are actually in pastries. Oo, yung mga, yung mga doughnuts mga ganyan and then tignan niyo yung labels kapag nakita niyo trans fats, I, I, I, I would like you to ano…to refrain from buying those kasi we actually want to, we actually want to eliminate these trans fats because these trans fats are the one na maaaring mag dulot ng heart attack in the long run kasi itong mga trans fats na ito nag de-deposit yan doon sa mga blood vessels natin at pagka nag deposit yan doon sa ugat ugat natin, pu-pwedeng mabarahan yung daluyan ng dugo at kapag nabarahan yung daluyan ng dugo ang maaaring mangyari diyan pumutok yung ugat. At pagka pumutok yung ugat, maaaring atakihin tayo sa puso o even stroke and we don’t want that. Again, these types of diseases, these heart disease, stroke, cancer, hypertension, diabetes, lahat ng po…lahat po ng ito ay mga lifestyle diseases and kasama po sa lifestyle natin yung ating mismong kinakain at yung mga kinakain natin ay maaari natin makuha sa mga supermarket, sa mga, sa mga groceries natin diyan at ito pong mga ito ay maaari sanang magdulot saatin ng mas magandang buhay kung iiwasan natin yung mga ganitong mga klase ng…mga ganitong klase ng mga pagkain because these types of foods can in the long run have a detrimental effect on our bodies o maaari tayong mapahamak in the long run and I don’t want you to, to have that and ayun nga, plug ko lang yung sa trans fat free philippines. Mas gusto natin na iwasan yung mga ano…iwasan yung mga trans fats na maaaring nakukuha natin sa mga pagkain. So, buzzwords natin mga partially hydrogenated oils, mga trans fats mismo so yang mga yan kasi nasisira yung katawan natin with those. 

Mikael [22:58]: Actually, napansin ko nga po yan e. Ang, ang medyo traydor diyan sa trans fat sa mga pagkaing hindi mo inaasahan makikita yan. Kagaya halimbawa nung favorite ko dati, favorite ko dati na instant coffee napansin ko may, may partially hydrogenated oil doon sa 3-in-1 coffee kasi hindi mo maa-associate yung oil diba? Hindi mo ia-associate yung oil sa kape. Pero pag binasa mo yung ingredients sa likod magugulat ka nalang na “ay meron pala nito dito”. Yun, isa yun sa mga misconceptions sa pagbabasa ng mga label. Anu-ano ba yung ilan sa pinaka maling paniniwala or common na maling paniniwala ng pinoy tungkol sa health and fitness?

Dr. Dex [23:38]: Okay. So, usually pagka sinabi nila na ang mga ano diyan “kumain ka lang ng…kumain ka lang ng kumain para tumaba” o kaya din naman “wag ka na kumain para, para pumayat” hindi po ganon yun ano po. Kinakailangan pa din natin ng exercise. Again, it is a tango, it is a tango between your exercise and food intake. So, usually sinasabi nila “ay hindi kumain ka nalang ng ano, kumain ka nalang, wag ka nalang mag kanin” yan “wag ka nalang mag kanin, ulam ka nalang at papayat ka” No. Hindi po yun ganon. Hindi po yon ganon. Kasi maaari pa po mag promote tayo ng inflammation with that and then magkulang ng enerhiya yung taong yan so what we want to do is to have a sustainable weight loss and also in fitness hindi porket payat ay fit. Marami po mga payat na matataas rin yung cholesterol. Maaari din payat yang mga yan at matataas ang triglycerides, matataas ang asukal. Hindi po, hindi po assurance yon. Yun po mga matataba naman, hindi din naman assurance na sila po ay matataas na agad ang cholesterol at hindi rin po lahat ng overweight, hindi rin po lahat ng overweight ay obese or madaming taba. Meron po tayong mga kapatid, meron tayong mga kaibigan na on the heavy side pero muscle mass yun. So, hindi sila, hindi sila ila-label as…hindi sila ila-label as obese. So, when it comes to fitness kinakailangan din natin ng tamang assessment at kung saan tungkol sa health and fitness ang pag-uusap natin, hindi lahat ng on the heavy side are not healthy. At hindi din naman po ng nasa lighter side ay healthy. So, tamang assessment pa rin po. So, ang pinaka maganda diyan ay mag konsulta sainyong mga doctor, mag konsulta sa mga kilala ninyo na nutritionist dietitians at ang higit po diyan ay yung tama din po ninyong pag a-assess sa inyong mga sarili. So, the rule of thumb is to listen to your body and then wag po tayo mag papaniwala sa lahat ng nababasa natin basta sa internet lalo na kung yung mga, yung mga nasa internet na nababasa natin ay hindi naman talaga credible sources. So, yung mga basta basta nalamang na nag po-pop out diyan na information, you have to check and cross-check so we still go to the books, we still go back to the books. Ang pinaka maganda niyan ay evidence based. Meron po tayong mga journals around, meron po tayong mga nutritionist, dietitians, meron tayong mga doctor na nag-aaral para matulungan kayo at maturuan kayo kung ano ba talaga yung tungkol dito sa health and fitness. So, consultation is key, but kinakailangan mag konsulta sa tamang professional. Yung may credential at yung licensed talaga para makasisigurado kayo na tama po ang ibibigay sainyong abiso.

Mikael [26:15]: Ang ganda. Opo. So, nabanggit ang consultaion. Paano ba kayo ma-reach? Or paano ba kayo ma-contact kung halimbawa gusto makipag consult sainyo ng ating mga nakikinig.

Dr. Dex [26:24]: Okay. So, sa mga nakikinig po saatin. Maaari kayong mag reach out saamin sa facebook. It’s facebookdotcom/drmacalintal so yun po, facebookdotcom/drmacalintal at mag message lang po kayo diyan our staff will be happy to assist you. So, doon lamang maaari na kayong mag konsulta doon o kaya naman maaari kayong mag email at askdocdex@gmaildotcom maaari kayong mag email diyan sumasagot po kami diyan every night. So, pagkatapos ng lahat ng errands sa um…sa buong araw, sumasagot po kami diyan every night. 

Mikael [26:58]: Oo nga. After ng busy na araw, busy pa rin after hours. So, nabanggit niyo po kanina yung trans fat free philippines. Maliban po doon meron ba kayong gustong i-promote? Or gusto niyo ba kaming kwentuhan ng konti tungkol sa trans fat free philippines?

Dr. Dex [27:11]: Okay. Ang trans fat free philippines is an, it is a movement na ang gusto natin ay mawala yung trans fats sa philippines. So, it is actually a drive para mas maging healthy yung pilipinas kasi sa pag dami nitong mga non communicable diseases na ito, itong mga lifestyle diseases natin parang wala ng katapusan. Kung mapapansin natin diba noong 1900’s kasi, noong 1900’s ang mga namamayani ng cause of death ay yung mga communicable. Pneumonia, tuberculosis, diarrhea. Mga ganyan ubo, sipon ganyan. Yan yung mga nagiging dahilan ng pagkamatay ng tao. Right now ang, ang kinakamatay ng mga tao since 1997 up unto this very moment ang pinaka madaming kaso ng pag, or ang pinaka madaming causes, pinaka maraming kaso ng pagkamatay ay dahil sa mga heart diseases, cancer, stroke, diabetes at pumapang apat lamang usually yung, pumapang apat o pumapang lima lamang yung mga pneumonia ngayon. Hindi naman sa sinasabi ko na gusto kong malaman kung ano talaga yung kinakamatay ng mga tao. Hindi din naman sa sinasabi ko na gusto ko mamatay nalamang tayo sa pneumonia or gusto ko pumatay tayo. Hindi, hindi yun yon. What I want to arrive at is that we have to rethink our food choices, our, our lifestyle choices because lahat po ito ay nakukuha sa kinakain, nakukuha sa ating physical activity, nakukuha sa ating stresses, sa ating vices even sa mga…sa mga paninigarilyo, pag inom ng alak, sa…even sa sleep, posture and behavior. So, lahat po ito, lahat po ito ay modifiable. Maaari nating gawan ng pamamaraan at yung isa diyan ay yung pag iwas sa mga pagkain na matataas yung trans fat. So, dahil ito pong, ito pong pag kain ng madaming trans fats the problem with this is that nagkakaroon ng clog yung arteries natin at masyadong nababarahan at pagka nabarahan yan ay maaari mag dulot ng sakit sa puso. Bukod doon ay maaari magkaroon ng stroke and all sort of diseases. Your trans fats promote inflammation and these inflammation po maaaring mag cause yan ng non communicable diseases like your diabetes, your hypertension and down the line and even pag dumami pa yan maaari din yan mag lead to cancer and we don’t want that. Ang gusto natin ay maubos natin sana yung non communicable diseases kasi po yun pong mga pneumonia, mga tuberculosis madali na pong gamutin yan. Nagagamot na po natin yan and in fact yun nga sinasabi po natin itong mga sakit na ito, itong mga non communicable diseases kapagka yung mga pasyente na mayroong non communicable diseases ay tinamaan ng COVID 19 mas malalala po yun pong nangyayari sa kanila at yung mga nangyayari sa kanila mas malalala ano yung tama ng COVID 19 sakanila. Mas madali silang namamatay at ayaw naman po natin yon sabi ko nga ayaw ko nga may namamatay na pasyente, ayaw ko na may namamatay na Pilipino to begin with pero that would be in ideal set up. However, ang gusto po natin is to have a healthier world, a healthier philippines, a healthier country and then ayun nga, ang sinasabi natin, ang sinasabi natin dito ay right now people live too short and people live too long and that is from Doctor Myron Wentz. Sinasabi niya na ang daming namamatay. Matagal, matagal na ano matagal na tayong namamatay inside and we just live too short and what we want sana is the reverse. We want to live long and ang gusto natin is to live in a healthier world or in a healthier, in a healthier state. So, ayon sana sa trans fat free philippines na movement sana po mag join tayo diyan para…libre naman ang pag join. Wala naman tayong, wala naman, wala naman tayong ano diyan, wala naman tayong kahit anong makukuha diyan. Ang gusto lang natin is to promote healthier eating and then ayon.

Mikael [31:00]: Okay. Nasa facebook po yan ano? 

Dr. Dex [31:02]: Yeah. Nasa facebook tayo. It’s trans fat free philippines. Hanapin niyo lang po yan diyan.

Mikael [31:06]: So, hihingi po ako sainyo ng last advice para sa mga taong gustong magkaroon ng mas healthy na pamumuhay and para sa mga taong gusto rin maging nutritionist dietitian kagaya niyo balang araw. 

Dr. Dex [31:18]: Okay. Sige. Doon muna tayo puma…doon muna tayo sa ano, doon muna tayo sa mga gustong maging healthy. So, ganto, simple lang naman ang rule of thumb na sinasabi ko sa mga pasyente na gusto lamang ma-maintain yung health nila. To be healthy, you have to eat well and by that sinasabi natin na iwasan natin yung masyadong maraming kinakain na fast foods, yung mga masyadong madaming processed foods, masyadong animal products yung napakaraming animal products na kinakain natin na yung animal products na pinoprocessed pa. Ayaw natin yan. If you want to do animal products, you go to native. Mas mainam yung mga yan. Mas mainam ang plant based foods 70-80 percent of the, of what you are going to eat are from plants, the other 20 percent you can get from animal sources and then by that sinasabi natin kumain ng rainbow, So, you have your red, orange, yellow, green, blue, indigo and violet na colors na maaari niyong ilagay sa inyong mga plato. Plus ang gusto po natin diyan ay yoong anti inflammatory effect niyan and then mainam din na mag exercise 30-45 minutes a day, 5 times a week. Matulog ng maaga, gumising ng maaga, mag paaraw at ang huli diyan ay iwasan po natin yung mga bisyo. Iwasan natin yung mga bisyo, wala pong mabuting maitutulong yan saating buhay, iwasan niyo na yan. Masyadong mataas ang binibigay niya na pamamaga sa inyong katawan. At pang huli, bukod po diyan, ayusin natin yung mga relationships natin. We, we are social creatures, we are all, we want connection and that connection sana mas maganda ay yung magkaroon tayo ng mas mabuting connection with the…with other people. I mean your family, your friends, your loved ones, mas maganda nakikipag usap tayo sakanila everyday kasi there’s something in connection. There’s something in relationships that make our body, make our body feel well. So, with that, ganon lamang yung, yung ano, madali, madali naman siya intindihin. Madali siya isabuhay kung, kung gugustuhin lang talaga natin isabuhay kasi in this world were information is just in, on our fingertips, mas mainam na mag connect pa rin tayo sa bawat isa. At doon naman po sa mga gusto na maging nutritionist, maging doctor, ang tip ko sainyo ay ganito, simple lang. Simple lang yung tip ko. Mag-aral ng mabuti at isapuso yung inaaral kasi katulad ngayon nung pinadala sakin tong ano, nung pinadala sakin tong mga questions na ito, hindi na ako nag prepare ng sasabihin. Lahat ng sinasabi ko po sainyo ngayon ay impromptu. Wala, actually sa lahat ng talks ko ay wala po akong pine-prepare ni speech, wala akong pine-prepare na kahit na ano. Ang, ang naririnig niyo ngayon ay ____ very very raw na kung meron man akong magiging proud sa sarili ko is that, I know my science and I’ve been studying this for the last 13, 14, 15 years already at ang gusto ko po sanang i-impart sainyo is that you do well, you do well in your studies and you do well in real life. Magkaiba man yung, magkaiba man yung totoong mundo, ang gusto po sana natin dito ay yung mga tao na pumapasok dito sa field natin is that, isinasapuso nila. Hindi lamang yung, hindi lamang yung para sa kikitain. No, no, no. Wala tayong kinikita dito. Kung papasok kayo dito at ang gusto niya ay kumita, maigi pa mag business nalang po kayo. Kasi, in medicine, in nutrition, wala po kayong kikitain. It is all service so kinakailangan alam niyo yon at kinakailangan isapuso niyo yon dahil kapag nasa puso niyo po ang ginagawa niyo, walang makakahadlang sainyo at walang makapipigil sainyo sa pag yabong. Pag sinabi kong pagyabong, hindi agad monetary yan. Ang sinasabi ko pong pag yabong dito, ay yung pagyabong ng inyong kaluluwa, at pag yabong ng inyong puso, at pag yabong ng inyong mga kaibigan. Ang katotohanan po niyan ay hindi, never, ang sinasabi ko nga po na never ako nagugutom dahil yung mga kaibigan ko, sila yung nagbibigay sakin ng pagkain. So, I’m friends with, I’m friends with local farmers, I’m friends with my patients. So, hindi ako kumikita ng malaki sakanila pero mas malaki yung sinasabi ko na, na ang kinikita ko dito ay yung pagkakaibigan na mayroon kami. So, sometimes my patients come to me na tinatanong kung ano, kung ano papacheck up-an nila, wala sila papacheck up-an, gusto lamang nila tayo makita. Gusto lamang nila makipag kwentuhan dahil ayun, be genuine. Another tip is to be genuine at ibigay niyo po yung puso ninyo sa mga tao. Dahil yung mga tao kung hindi madali i-receive yan, at least you have given, at least you have given yourself. So, these, all, all of these, all of these sa medicine, sa nutrition. Medicine and nutrition it is a, it is a very very noble profession so ang gusto talaga natin dito ay hindi na tayo gamitin ng mga tao. Ibig sabihin, hindi na tayo kailanganin ng mga tao. Ang gusto natin dito ay, kasi kapag kinakailangan pa tayo ng mga tao, may mga sakit pa. So, kung hindi na tayo kailangan ng mga tao, wala ng sakit. So, mas gusto natin yon. It’s a very self ____. So, ang dito po, ang naririto po so sainyong harapan kapag kayo po ay nasa nutrition, kapag kayo ay nasa medicine, it is a very noble profession. Ang gusto po sana natin dito ay yung mayroong puso para sa mga tao. Kasi nawawala na po yung ibang puso nung ibang ano, nung ibang mga professionals. Hindi ko naman inilalahat ano, kaya nga tayo nasa health care. We have to put back the care in health care. So, ayun po maraming salamat po.

Mikael [36:53]: Thank you for being on our show and hopefully next time we’ll get to talk again.

Dr. Dex [36:57]: No problem. No problem.

Mikael [37:00]: Take care po, Doc.

Dr. Dex [37:00]: Take care din, Sir.


The Ask Theory Podcast is available via these platforms — make sure to subscribe, as we’ll be releasing one new episode every week:

Apple Podcastshttps://podcasts.apple.com/ph/podcast/ask-theory/id1550251048
Spotify: https://open.spotify.com/show/1GDcxBwETsD4KM1EmTr1aI
Anchor: https://anchor.fm/ask-theory
Breaker: https://www.breaker.audio/ask-theory
Google Podcasts: https://www.google.com/podcasts?feed=aHR0cHM6Ly9hbmNob3IuZm0vcy80OTAyMWNjMC9wb2RjYXN0L3Jzcw==
Pocket Casts: https://pca.st/gv6jxkki
RadioPublic: https://radiopublic.com/ask-theory-WJkbLJ


Flipscience bookorder Flipscience book on Amazonpreorder

Author: Mikael Angelo Francisco

Bitten by the science writing bug, Mikael has years of writing and editorial experience under his belt. As the editor-in-chief of FlipScience, Mikael has sworn to help make science more fun and interesting for geeky readers and casual audiences alike.